Tapat
Tula ni Maki de la Rosa
Sapagkat madalas
nating gamitin
ang mga kataga
upang ikubli
yaong mga nais
naman talaga nating
ilantad,
sa pinakasinungaling
na paraan lamang
tayo nagiging
matapat.
(mula sa kanyang librong Hanggang Doon Na Rin Lang, unang koleksyon ng kanyang mga tula)
Minsang kinilala ang mga tula ni Ma. Cecilia “Maki” C. de la Rosa sa Talaang Ginto 2013 at SP Lopez Literary Competition 2012. Tula rin ang naghatid sa kanya sa Palihang Rogelio Sicat 5 at Saringsing 4, Workshop para sa mga Akdang Bikolonon. Kinilala rin ng Lampara ang kanyang kwentong pambata (2014) at napili para itanghal sa Virgin Labfest 12 (2016) ang isang-yugtong dula niyang Ang Mga Bisita ni Jean. Nagtapos si Maki ng Philippine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas Manila, sa edad na 31. Ina ng isang Timang, at anak ng ordinaryong mamamayan, isa rin siyang ordinaryong kawani ng gubyerno, matigas nga lang ang ulo. Kasalukuyan siyang pangulo ng Kataga. Pangarap niyang maging dancer. -mula sa Hanggang Doon Na Rin Lang
Sa mga nais bumili ng libro ni Maki, makipag-ugnayan lang sa amin sa The Alternative. Magpadala ng email, text, o message sa Facebook.